Wednesday, January 21, 2009

If you're going through hell.. keep going?

By this time, I should be conducting my lessons in rarejob... But here I am posting this blog and chatting with my best buddies. I am too stressed and I need a break...
Guess what? I've been in my current job for 4 months and 8 days and I have been encountering a lot of problems.  Oh yes... life is so great! This is my second major problem in the past two weeks.
This is what I got after complaining why my life is so freakin boring... That's why... knock! knock! Girl, here's the twist in your life. You'll no longer find your life boring... Charan! Problems... And take note, to the next level na. I'm done with my petty issues and dilemmas. Difficulties in money, health and love are too redundant. That's why now, I am screwed up at work.
And now here I am asking myself,  what am I doing wrong? Or should i rephrase it to, am i doing it right?
I don't want to fail for the second time. I have been a deadbeat to myself, to my best friends and to my family when the cram school flopped. I don't want that to happen again. I can do other things other than conducting lessons for Koreans and Japanese. But with the way things are... Am I really fit for these profession?
Argh!
Buti na lang, I have my best buds to the rescue... They were trying to console me by reminding me of my motto.   "If you're going through hell, keep going! di ba?" And I was like telling them,  Can i really keep going?
Anyway, sorry for the negative feelings that I am sharing... This is my way to release stress. Haha! It makes me feel better. Xempre kanina while I am pressured and tensed, I look stupid. My forehead and nose were all covered with sweat. Then my usual Chinese looking eyes were getting bigger.  I'm uber problematic na nga, I look like an idiot pa.
Anyway, these too shall pass. Thanks best buds! Wanna give you all a bear hug...

Image is from Alihuish.blogspot.com

Tuesday, October 21, 2008

LIfe... Oh Life!

I'm uber tired. But I am just about to start on my second job. I worked in the office from 9am to 6pm and then after which I'll be working on this online English tutorial for Japanese for another two and a half hours. hayst... Everyday from Mon to Friday ganito ang routine ko. Nakakapagod... Pero wala akong magagawa. My salary from my full time job is not enough to suffice my needs.
My younger brother always tell me, "Ate, your weekdays are always so boring...". Haha! Gusto ko syang batukan kase totoo ang sinasabi nya. Wala na kong social life after work.
There are a lot of times that I am tempted to resign and just work in a callcenter. haha! Kaya lang masesermunan ako ng mga magulang ko at ng kuya ko. "Ba't ka pa gumraduate ng college kung di mo naman maaapply ang pinag-aralan mo?".
Langya talaga! Mas malakas pa ang kita ko nung nag-aaral pa ko. Hay! oh life.... Ganyan talaga! I'm not sure if most of you share the same sentiments...

Friday, August 8, 2008

Reminiscing my UP life

I'm supposed to post this in the bulletin kaya lang di magkasya. Hehe... Kaya d2 na lang.


1. Ano ang student number mo? Gusto mo ba ito?
* 2004-*****. Oo nman, mag-iinarte pa ba ako. Haha! Feeling ko nga, uugud ugod na ko, memorize ko pa din 2. Mas memorize ko pa 2 sa cellphone number ko.


2. Magbigay ka ng tatlong course sa UP
Diliman na hindi mo talaga alam kung ano ang pinag-aaralan nila.
Pwedeng magbigay ng rason kung bakit.
Uhm... may idea nman ako kung ano pinag-aaralan nila. Nawiwirduhan lang ako kung ano ang magiging work nila after graduation.
*B.A.
Comparative literature- Hehe... no offense pero parang ang boring ng course na to. So, ano nga ba trabaho nila pagkagraduate?


*B.S. Sports Science - I met a lot of people na ganito yung degree nila pero karamihan sa kanila ay planong magtuloy ng medicine pagkatapos. Pero, iniisip ko pa din kung pano nman yung walang balak magmedicine.


*B.
S. Social Work- Actually wala akong matandaan na naging kaklase na kumukuha nito. Ibig bang sabihin nito ay magiging social worker sila?


3. Meron ka bang araw na wala kang break? Anung technique ang ginagawa mo para makakain ka?
* Oo nung second year college ako at nung last sem ko na sa UP. Hay...ang hirap pero mas gusto ko na ang walang break kaysa magkaroon ng 6hours na break or longer no? Haha... Pero ang ginangawa ko ay kumakain ako habang nagkaklase. Ok nman yun s ibang prof. Tiis tiis k nga lang muna s tinapay, banana cue, turon o kaya ay taho. Bawal kasi kumain ng may gamit n mga utensils habang kumakain eh! Haha.. pero, pag mabait yung prof pwede nman minsan. Haha! Hi Sir Soriano!


4. Alam mo ba kung saan ang Teletubby Land? [Yung totoo, bawal bumase sa pinagkuhanan ng survey na ito]
Sabi nila yun yung parang "land" or "roadwork" papuntang math building.
kung andun ka, parang whatever, kasi may river flowing with water tas
may bading na bridge pa tas yung pavement na parang pa-curve-curve pa
eh pede namang ipa-straight. Hehe... Ngayon ko lang nlaman na teletubby land pala ang tawag dun. Toink! Pero lagi naman akong napapadpad dun. Enjoy ngang maglakad sa area na yun eh! Lalo na pag mahirap ang pinagdaanan mong exam sa math. Nakakarelax... I miss UP!


5.
Nakakita ka na ba ng nagpi-PDA? Sa AS? As in sa AS Entrance? In Broad
Daylight? In front of many people? Ikaw ba yung gumagawa nun?
* Yup...  Madalas. I mean madalas akong makakita nun. Syempre di ako yung gumagawa nun. Haha! You wish... Natural lang namang eksena yun sa UP. Sanay na ang mga mata ko sa mga ganyang bagay. Haha! Or baka ako lang ang sanay? Anyway, basta madalas akong makakita nun.


6. Naranasan mo na bang dumaan sa Beta Way? Kahit madilim na?
*YES... Lagi lagi epecially nung 1st year ako. Pero yung madilim, once pa lang. Pero ok lang yun, may kasama nman akong naglakad sa dilim. Oh?!


7. Alam mo ba na may 4th Floor ang FC?
* oo, kaya lang wala nman masyadong napapadpad sa lugar na yun.


8. Within the UP Campus, ano na ang pinakamalayo mong nalakad?
* Uhm... Mula CS hanggang AIT. At ang matindi... tanghaling tapat yun. Haha! Nakapaglakad na rin ako mula AIT hanggang sa sakayan ng papuntang Katips sa may Balara. Hindi ko nga lang maalala, bat ko nilakad yun... Haha! Dahil yata UPCAT nun at wala akong masakyang jeep sa dami ng nagtake ng exam.


9.  Meal? [Geog1 + Comm3]
* Huh?! Di ko gets... Pero di pa ko nakapagtake ng Comm3. Ang Geog1 naman ay relatively madali kaysa ibang subjects. Haha! Puro jokes lang kase ginagawa namin dun at panonood ng movies.


10. Sa tingin mo, bakit concealed ang profs sa Math?
* Xempre, para magkaron ng students ang mga terror na prof. Buti na lang, math 11 lang ang required sa course ko. Nagtake ako ng Math 14 kahit di required pero ok nman ang prof ko dun.Haha! Kaya di ako maxadong makarelate sa mga Voltes V at Power Puff Girls.


11. Nakakuha ka na ba ng Math prof na out-of-this-world?
*uhm... Well, di nman masyado... yung prof ko nga lang sa Math 14 ay mukhang di naliligo. Haha! no offense, pero sabog kase lagi buhok nun at laging nakasuot ng gula gulanit na shorts. Haha! Anyway,  style nya siguro yun. Tsaka lagi xang nakasuot ng T-Shirt n masyadong malaki s kanya. Kulay jebs pa man din lagi mga suot nyang shirt. Haha! Yun lang...


12. Natatakot ka ba sa tumutunog na kuryente sa tabi ng EEE building?
* Huh?! Di ako makarelate... Di namn kasi ako madalas sa area na to. Nandun ako lagi sa labas ng UP. Sa may commonwealth, kahanay ng New Era. Hehe...


13. Ilang individual libraries na ang napuntahan mo within Up Diliman? Isa-isahin.
* Ah... madami na rin,Main Lib, Eng'g lib, Econ lib, CS lib, CHK lib, CSWD lib, CAL lib,  at xempre ang tambayan ko, ang AIT lib.


14. Nakanood ka na ba ng Oblation Run? At namukhaan na isa doon ay kaklase mo?
* Haha! sa 4 na taon ko sa UP, 3 beses na kong nakapanood. Straight un... 1st year hanggang 3rd year. Nagdecide na nga lang akong wag manood nung 4th year dahil wala akong class sa UP nung araw na yun. Haha! Pero masaya yun... Lalo na pag ksama mo mga friends mo. Mas nakakatawa ang mga tagaibang schools. Nakauniform pa man din sila at kung makasigaw pag daan ng oblation, akala mo wala ng bukas. haha! Wala p naman akong namukhaan na kaklase ko. Masaya sana yun kung meron. Para maaasar ko xa...


15. Nakakita ka na ba ng Atenean na nakatambay sa UP Campus? At naki-sit in sa klase niyo?
* Marami akong nakikitang Taenean, ay Atenean pala...na nakatambay sa UP. Madalas pa nga silang kumakain ng isaw eh! Pero, di lang ako sure kung meron ng nakisit-in. Mdalas namang may nakikisit-in from other schools di ko nga lang sure kung taga Ateneo sila.


16. Nakakita ka na ba ng artista na nag-aaral sa UP? Saan?
* Oo namn noh? Si Paula Peralejo, lagi kong nakikita sa AIT, every other day ko yata xang makasalubong. Si Ate Glow naman naging kaklase ko na sa STS. Si Atom Araullo, si Kikiam at si Tuesday ay ilang beses ko na ding nakasalubong. Si Bruce Quebral din.. At meron pang iba... yung girl na nandun sa Sineskwela... si Patricia chorva... Nakita ko na din si Sunshine Dizon, Drew Arellano, Regine Tolentino at Alfred Vargas. Di ko nga lang alam kung ano ginagawa nila dun. Haha! Naging kaklase ko na din pala yung anak ni Gary Granada at  si Jay Ponce- Enrile. Di sila artista, pero mga bigateng tao din naman. Xempre, madami na din akong prof na bigatin. Isa n jan si Prof. Monsod. Haha! Nakikita ko din dun sina  Cheche Lazaro, Ramon Bautista, at iba pang mga artista na na nagtuturo sa UP. How I miss UP! Hay...


17. Sa tingin mo, ano ang pinakamahirap na subject sa UP?
* Hay... Sa mga nakuha kong subjects, nahirapan ako sa Stat 101, Math 14. STS at PanPil 50. Yung mga CS and Eng'g people, wag nyo kong tawanan ha! Alam ko namang sisiw lang sa inyo yang mga yan. Haha! Pero proud naman akong sabihin na di pa naman ako bumagsak o nakakuha ng incomplete. Kahit nahirapan ako, ginapang ko at pinagbuhusan ng panahon ang mga subjects na yan para maipasa ko. Hehe... Ang PanPil 50 ko, juice ko! Dumugo ang ilong ko sa mga usapan tungkol sa bayan at tungkol kay Jose Rizal. Haha!


18. Alam mo ba na tumutunog ang Carillon?
* Oo, naman. Ang galing nga eh!


19. Nakapasok ka na ba sa College of Music? Kwento mo naman.
* Hindi pa ko nakapasok pero nakatambay na ko malapit kay Manong guard. Hehe... Gusto ko ngang subukang pumasok one of these days. Malay mo mahawa ako sa mga students dun at gumanda ang boses ko.


20. Nagpapic ka na kay Oble? Kung oo, confident ka ba na gagraduate ka?
* Hindi pa... Hmm... Gumraduate naman ako kaya keri lang.


21. May College Shirt ka ba? Anu design?
* Oo, kulay blue na polo shirt, may malaking logo ng AIT sa right chest pagkatapos may nakalagay na Asian Institute of Tourism, UP Diliman sa bottom part ng likod ng shirt. Ung isa nman, white shirt na may design ng hotair baloon at may nakalagay na UP-AIT. Eniwiez, magaganda ang mga college shirts namen.


22. Naranasan mo na bang mag 1vs100 sa CRS?
* Oo nman, higit pa dun. Natry ko na yata ang 1 vs 700 eh! Haha! lalo na sa mga MST. Pero lagi akong di pinapalad kaya nagmamanual or paprerog ako nun.


23. Naglalaro ka ba ng Guess
the Course/Spot that Freshie kapag wala kang magawa habang tumatambay
sa AS? Isinasabay mo ba ang Girl/Boy Hunting sa larong ito?
* Oo naman, masaya kaya. Lalo na kapag tumugma ung stereo type sa mga college nila. Haha! Ang mga freshie naman madaling makita. Pag, naglalakad sila na malalaking grupo, madalas freshie ung mga un. Haha! Minsan... ginagawa ko din ang boy hunting pag kasama ko ang mga friends ko na nakatambay sa AS. Haha! Napakasayang pampalipas oras nito.


24. Nangungulekta ka ba ng Kule? Ano ang favorite section mo dito?
* Oo, marami pa rin ngang kule dito sa bahay. Xempre paborito ko ang eksenang peyups at ung textback. Haha! Nakakatuwa kasi ang mga yon. Pero xempre, binabasa ko din yung mga news and opinions. Namimiss ko na nga ang kule. Minsan tuloy inuulit ko na lang basahin yung mga lumang issues ng kule nung college pa ko.


25. Sino ang pinakastriktong guard sa UP na nakilala mo? Yung hindi mo talaga matakasan na wala kang ID?
* Yung guard sa CBA. Hay naku! Buti pa yung mga guards sa AS, AIT at Eng'g kapag smiling buddies na kayo madali ng makalusot. Haha! Madalas kase babae yung guard sa CBA kaya mahirap idaan sa pagpapacute para makalusot ng walang id.


26. Nakukulangan ka pa ba sa ruta ng Ikot at Toki Jeep? Anung gusto mong ibahin sa ruta nito?
* Oo, dapat dumidretso ng AIT. Haha! Kawawa naman kami. Kailangan namin laging lakarin mula sa CHK hanggang sa AIT. Haha! i mean, huhu... pla. Kaya tuloy madalas akong malate nung nag-aaral pa ko.


27. Natatakot ka ba sa mga tingin ng mga nangangampanya tuwing Elections? Bakit?
* oo, minsan. Kase... daig pa ang national election kung mangampanya sila. Nakakatakot kase ang weird nilang tumingin, nakasmile sila at nagtatry magpakafriendly kahit d naman bagay sa kanila. Haha! lumalabas ang mga plastic pag election.


28. May bura ka na ba sa Form 5 mo? Anu yon?
* Di ko maalala. Pero siguro, oo. Nagkamali na yata ako minsan sa pagsulat ng class code. uhm.. I'm not sure...


29. Nagkaprof ka na ba na laging wala sa klase tapos tinadtad kayo ng make-up classes sa end ng sem? Sino?
* Oo, ung prof ko dati sa Stat 101. Kmusta naman, evry week yata 2 beses kaming magmakeup class. Ung ibang AIT prof din. Mahihilig umabsent pagkatapos pahihirapan ka sa makeup class. Ayoko na lang magmention ng names... Haha! Alam na nila kung cno sila.


30. Alam mo ba kung saan ginagawa ang Blue Book? Gusto mo bang magventure sa business na ito?
* Di ko alam. Pero in fairness magandang business yan. Haha! Maikonsulta nga sa mga entrepreneur friends ko sa WISE UP. Haha! Magandang business to dude!

Sunday, April 20, 2008

Mere Farewells

Insomniac for a number of nights and pounding of heart when I’m alone… I don’t know what has gotten into me these past days. Perhaps it’s just a result of being bummed for a number of weeks or my addiction to caffeine.
I have been thinking too much about the goodbyes that I will be making and the new chapters that I will face. Tomorrow, I will be waving adieu to my kuya who will join the OFWs in Canada.
A week from now, I will graduate from college and have to bid good bye to most of my college friends. No more shallow talks about the pink team, no more paid lakwatsa (I’m referring to fieldtrips), no more pissing encounters with kalbosaur (if you know what I mean) and more importantly no more student discounts and freebies. I will also be saying my farewell to my Korean students since I will be leaving the city in a short while.
In a matter of weeks, I will be in Pampanga joining my friends and starting our small business. I will be living there just like any grown-up adult, supporting myself and depending on no one except me, myself and I.
I guess I’m not yet ready for all of these. Or I’m just afraid of my new obligations in life. Those are my stupid reasons for my procrastination on the things that I should already be doing…my reasons for doing and talking about nothing but futile things.
Right now, I don’t know what is my point for posting this blog. Mine are just petty problems (if these can even be considered as problems). I know that there are more relevant issues in life than these but who cares.
Whew! I already sound like Chris Agrava. Thanks to Kule for influencing me on how I should express myself. Good if this blog will make me look intellectually sophisticated but most probably the readers will find me as an insane and shallow woman.


Image from Sonyabean.com